Nasa P150-K financial aid, livelihood at training assistance, ilan lang sa mga nakahandang tulong para sa Filipino repatriates mula Lebanon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasang 45 Pilipino mula sa Lebanon ang mapauuwi na sa bansa ngayong linggo, sa gitna ng nagaganap na tensyon sa border ng Lebanon at Israel.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na mula pa noong nakaraang taon, nasa 356 individuals na mula Lebanon ang kanilang napauwi. Nitong weekend lamang, dumating ang 15 sa bansa.

Nasa 1,000 ang nagsabi na sa gobyerno, na nais na rin nilang umuwi habang ang 45 indibiwal ay sumasailalim na sa Lebanese immigration procedure, at inaasahang darating na rin sa Pilipinas ngayong linggo.

Makakatanggap aniya ang repatriates ng nasa P150,000 na financial assistance mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, at livelihood at training assistance, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“And of course Sec. Benny Laguesma and the DOLE for the employment facilitation. We’ve also partnered with the agriculture, DA Sec. Kiko Laurel, Sec. Christina Frasco for DOTT, in case our OFWs would wish to endeavor to Agri-related and Tourism-related endeavor. We’re ready, we stand ready to help upon their return.” —Sec Cacdac.

Sabi ng kalihim, patuloy na nakatutok ang pamahalaan sa sitwasyon sa Lebanon, tuloy rin ang komunikasyon sa Filipino Community on ground upang madala ang mga ito sa ligtas na lugar.

Nasa 100 pa ang mga Pilipino sa Southern Lebanon.

“And then, may crisis plan tayo, we are set, we are ready, hopefully the situation doesn’t get worse, but we are ready in case the situation gets worse.” —Sec. Cacdac | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us