Dagsa ngayon ang mga stranded na mga pasahero ng LRT Line 2.
Dahil nasabay sa pag-uwi ng mga estudyante at mga galing sa opisina.
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority, pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT-2 dahil sa nasirang catenary o yung wire na nagsu-supply ng kuryente sa mga tren sa pagitan ng Katipunan at Santolan station.
Sa ngayon pansamantalang nagpapatupad ng provisionary service ang LRT-2 dahil sa nasirang catenary.
Ang biyahe ng tren ay mula Recto station hanggang Cubao station at pabalik.
Pinapayuhan ang mga pasahero na manatiling nakaantabay sa LRTA FB and Twitter account para sa mga susunod na abiso.| ulat ni Diane Lear