Blue Economy Bill, aprubado na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na ikatlo at huling pagbasa ang Blue Economy Bill na layong isulong ang sustainable na paggamit ng mga yamang dagat ng Pilipinas para sa paglago ng ekonomiya ng bansa, mapabuti ang kabuhayan ng mga Pilipino at mapangalagaan ang ecosystem ng karagatan ng Pilipinas.

Tinukoy ng sponsor ng panukala na si Senadora Loren Legarda na 60 percent ng populasyon ng Pilipinas ay nakatira malapit sa karagatan gayunpaman, nananatiling isa sa mga pinakamahirap sa ating bansa ang mga mangingisda.

Kaya naman layon ng panukalang ito na itama ang imbalance na ito.

Sa ilalim ng Senate Bill 2450, tinatakda ang pagkakaroon ng policy development framework na layong tulungan ang bansa na magkaroon ng isang roadmap para sa pagkakaroon ng sustainable ocean economy.

layon ng framework na tiyakin ang isang cross-sectoral at cross stakeholder approach, bumuo ng isang value chain at tiyakin ang sustainability para masigurong ang blue economy ay makakatulong sa paglago ng economiya ng bansa.

Sa ilalim nito ay bubuo ang pamahalaan ng plano para mapangasiwaan ang marine at coastal resources para mabawasan ang land at sea-based pollution at overfishing.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us