DA, nagsagawa ng konsultasyon sa movement protocols sa ASF infected areas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpleto na ng Department of Agriculture (DA) ang serye ng konsultasyon nito sa Calabarzon para mapahusay ang mga protocol sa pag-transport ng mga malulusog na baboy sa gitna ng muling pag-usbong ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas.

Pinangunahan nina DA Undersecretary for Policy, Planning and Regulation Asis Perez, Undersecretary for Livestock Deogracias Victor Savellano, at Assistant Secretary for Poultry and Swine Dante Palabrica ang konsultasyon kasama ang mga local officials at agriculturists sa rehiyon.

Pangunahing tinalakay ang mga iminungkahing mga alituntunin ng DA gaya ng pagpapahintulot sa pag-transport ng mga malulusog na baboy kahit mula sa mga Red Zones—o mga lugar na may aktibong kaso—patungo sa ibang mga lugar upang matiyak na hindi maaapektuhan ang suplay ng karneng baboy at mapanatili ng mga nag-aalaga ng baboy ang kanilang kabuhayan.

“The government will ease regulation but we have to make sure only live and healthy pigs are transported, not the infected ones, to avoid the spread of ASF. That’s why it’s important that we ensure infected animals stay in red zones,” ani Perez.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Asec. Palabrica na bukod sa bakuna kontra ASF na mula sa Vietnam, may ilang manufacturer na rin mula U.S. at South Korea ang nagsumite na ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) para maging controlled testing sa ASF.

Nakatakda na ngayong linggo ang bakunahan kontra ASF. Uunahin lang na isalang sa blood testing ang mga baboy upang masiguro na maaaring mabakunahan at hindi infected ng sakit. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us