Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na balik na sa full line operations ang biyahe ng LRT Line 2.
Ito’y makaraang maisaayos na ang ginagawang pagkukumpuni sa catenary o ang kableng nagsusuplay ng kuryente sa pagitan ng Santolan at Katipunan stations nito
Dahil dito, dire-diretso na ang biyahe ng mga tren mula Antipolo patungong Recto Stations at pabalik.
Aabot naman sa pitong tren ang tumatakbo na mayroong headway na 11 minuto.
Bagaman balik-normal naman na ang operasyon ay marami pa ring mga pasahero ang pahirapang makasakay dahil naipon ang mga nag-aabang ng masasakyan mula kanina. | ulat ni Jaymark Dagala