Dadalhin na rin ng Supreme Court sa iba pang social media platforms ang pamamaraan nila upang iparating sa publiko ang mga ginagawa ng mga Mahistrado.
Ayon kay Supreme Court Communications Bureau Chief Atty. Mike Navallo, ilalabas nila ang mga vertical videos sa X na dating Twitter, IG o Instagram, Facebook, at Threads.
Ang mga horizontal videos naman ay ilalabas nila sa YouTube at website ng Supreme Court.
Kasabay nito, inilunsad din ng Korte Suprema ang kanilang #SCphReels na naglalayong ipakita sa publiko ang mga short videos ng mga speeches at public engagement ng mga Mahistrado. | ulat ni Mike Rogas