Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na hindi pa nakakaalis ng Pilipinas ang dinismis na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty, walang indikasyon mula sa Bureau of Immigration na nakalabas ng bansa ang dating alkalde.
Bukod dito, naghain din daw ng kanyang counter affidavit noong Biyernes si Guo at nanumpa sa notaryo para sa kanyang salaysay.
Ngunit paiimbestigahan daw nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang inilabas ni Senador Risa Hontiveros kung papaanong nakalabas ng Pilipinas ang dating alkalde. | ulat ni Mike Rogas