DOH, pinakakalma ang publiko sa Mpox

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Health na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa kumakalat na sakit na Mpox o Monkeypox. 

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nagagamot ang Mpox at malayo sa pinangangambahan na COVID-19.

Hindi rin daw dapat limitahan ang kilos ng publiko tulad ng mga community quarantine, paghihigpit sa mga boarders, pagsusuot ng face mask, at iba pa. 

Pero dapat din naman daw mag-self isolate ang sinumang magkakaroon ng sintomas ng Mpox. 

Una dito, idineklara ng World Health Organization bilang public health emergency ang Mpox matapos ang paglaganap nito sa Africa at pagkamatay ng maraming indibidwal.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us