Pabor ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ireview ang baselines, at ginagamit nitong metriko sa pagdetermina ng food thresholds gayundin ng food-poor individuals.
Sa isang pahayag, sinabi ni NAPC Secretary Lope Santos III na napapanahon na para muling suriin ang mga target at sukat habang nakatuon sa 740,000 pamilyang Pilipino na kasalukuyang itinuturing na food-poor.
Paliwanag nito, higit sa mga numero at presyo, maraming pamilya ang nasa di-magandang kalagayan sa ekonomiya.
Dagdag pa nito, makatutulong ang pag-update sa mga sukat ng PSA para mapahusay ang mga inisyatiba ng gobyerno na may kaugnayan sa kahirapan.
Kaugnay nito, ikinalugod naman ng NAPC na patuloy na pagbaba ng poverty incidence sa bansa mula 18.1% noong 2021 patungong 15.5% noong 2023.
Ito aniya ay malinaw na patunay ng nagbubunga na ang mga inisyatiba at hakbang ng administrasyong Marcos tungo sa paglaban sa kahirapan. | ulat ni Merry Ann Bastasa