Isang alias warrant of arrest ang inilabas ng Regional Trial Court sa Pasig City laban sa puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa kaso niyang human trafficking.
Ito ang ibinalita ni Police-Davao Regional Director Nicolas Torre III sa Senate committee, ngayong Martes.
Ang alias warrant of arrest ay inilalabas kapag hindi naipatupad ang orihinal na warrant, kadalasan dahil hindi matagpuan ang suspek.
Sa pamamagitan nito, muling binibigyan ng pagkakataon ang mga otoridad na dakpin ang akusado, gaya sa kaso ni Quiboloy. | ulat ni Diane Lear