Pinag-iingat na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang publiko laban sa African Swine Fever (ASF).
Sa abiso ng local government, bagamat walang naitalang kaso ng ASF sa lungsod kailangang maging mapanuri ang publiko sa pagbili ng karneng baboy.
Pinapayuhan ang publiko, na bumili lamang ng karneng baboy sa mga sertipikadong meat dealer at lutuing mabuti.
Sa ulat ng DA-Bureau of Animal Industry, may apat na truck na may kargang baboy ang naharang noong nakaraang linggo ng tangkang ipuslit sa Quezon City at Malanday Valenzuela.
Sa isinagawang laboratory test, 11 sa mga baboy ang nagpositibo sa ASF. | ulat ni Rey Ferrer