Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na matagal nang nabuwag ang “palakasan system” sa recruitment ng mga pulis.
Ito’y ayon sa PNP ay matapos ang paglutang ng mga balita na may ilang bagong recruit sa PNP ang natetengga at hindi nabibigyan ng unit para pagtrabahuhan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, marami nang mga patakaran ang una nang ipinatupad ng PNP para maiwasan ang “human intervention.”
Kasama na rito ang faceless at nameless process gayundin ang paggamit ng QR code sa recruitment para matiyak na mga nararapat lang ang makapapasa sa pagsasanay.
Kung mayroon mang delay o pagkaantala sa recruitment, sinabi ni Fajardo na ito ay posibleng bunsod ng ibang kadahilanan. | ulat ni Jaymark Dagala