Karagadang 22 tourist rest areas ang inaasahang maipapatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula ngayong taon.
Sa pagsalang ng panukalang P3.394 billion 2025 budget ng Department of Tourism (DOT), ibinalita ni Tourism Sec. Christina Frasco na mula sa sampung naipatayo na, may nakalinyang 22 pa na ipapatayo ngayong taon.
Apat dito ay sa apat na pinakadulong bahagi ng Pilipinas, isa sa Sabtang sa Batanes, Sulu at Tawi-tawi, Guian sa Eastern Samar, at Brooke’s Point sa Palawan.
Maliban dito, ibinida rin ni Frasco ang nakatakdang pagtatayo ng Tourist Frist Aid Facilities upang makapagbigqay ng atensyong medikal sa mga nangangailangang turista.
Una ito itatayo sa La Union, Boracay, Siargao, Palawan at Panglao sa Bohol.
Mayroon aniyang mga healthcare personnel at medical support mula sa tulong ng DOH.| ulat ni Kathleen Forbes