Opisyal nang ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Sustainable Livelihood Project sa mga asosasyon ng SLP sa Zamboanga del Norte.
Ang unang proyekto, na nagkakahalaga ng ₱390,000 ay iginawad sa Balubuhan-Umbay Zero Hunger SLP Association sa munisipalidad ng Rizal.
Nakatuon ang proyektong ito sa general merchandise na magbibigay sa komunidad ng essential goods at kikita para sa mga miyembro ng asosasyon.
Ang ikalawang proyekto na nagkakahalaga ng ₱285,000 ay ipinasa sa Nipaan Zero Hunger SLP Association sa munisipalidad ng Piñan.
Karagdagan sa livelihood projects, isang mudboat unit ang nai-turn over din sa Balubuhan-Umbay Irrigators Association beneficiaries sa ilalim ng Rice Program ng Department of Agriculture (DA).
Inaasahang makatutulong sa mahusay na farming activities ang mga kagamitang ito na higit na magpapalaki sa productivity ng local farmers. | ulat ni Rey Ferrer