Ad interim appointment ni DMW Sec. Cacdac, lusot na sa committee level ng Commission on Appointments

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment o ang pagkakatalaga sa pwesto ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Sa naging pagdinig ngayong araw, wala nang naging tanong kay Cacdac ang mga mambabatas na miyembro ng CA.

Bagamat present at handang magsalita sa CA hearing, hindi na dininig ng komite ang apat na oppositor o ang mga tutol sa appointment ni Cacdac.

Ayon kay Representative Johnny Pimentel, nabasa naman nila ang mga reklamo ng mga oppositor at para sa kanya ay walang basehan ang mga ito.

Naniniwala rin si Pimentel na demolition job lang ang mga ito, at layon lang na sirain ang personalidad ni Cacdac.

Matatandaang ito na ang ikalawang beses na isinalang sa CA ang ad interim appointment ni Cacdac.

Una na kasi itong na-bypass matapos maabutan ng adjournment ng sesyon ng Kongreso noong Mayo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us