Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko, lalo na sa mga nakatira malapit sa Bulkang Taal, na mag-ingat sa volcanic smog o vog.
Ito ay matapos ang patuloy na aktibidad ng bulkan.
Kabilang sa mga paalala ng DOTr partikular na sa mga komunidad na apektado ng vog ang pag-iwas sa mga outdoor activities, manatili sa indoor areas, at isarang mabuti ang mga pinto at bintana upang maharangan at hindi pumasok ang vog.
Maaari ring gumamit ng N95 mask, uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang iritasyon ng lalamununan, at komunsulta sa doktor lalo na kapag nakararanas ng seryosong epekto ng vog. Ayon sa DOTr, bagamat nilinaw ng PHIVOLCS na ang haze na nakikita sa Metro Manila ay mula sa local pollutants at hindi VOG, pinapayuhan pa rin ang lahat na maging maingat, lalo na ang mga may problema sa kalusugan. | ulat ni Diane Lear