Bagong guidelines para sa paggamit ng toll expressways, magiging epektibo sa August 31 – DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inilabas ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Toll Regulatory Board (TRB) ang Joint Memorandum Circular No. 2024-001 o ang Revised Guidelines for All Vehicles Travelling on Toll Expressways.

Ang naturang guidelines ay magiging epektibo simula August 31, 2024.

Layon ng bagong guidelines na mapabilis ang daloy ng trapiko sa mga toll plaza sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pagbabawal at multa sa mga motorista na walang valid na Electronic Toll Collection (ETC) device o kulang ang load sa kanilang mga RFID.

Ayon sa TRB, ang mga motoristang ito ay bumubuo sa 9 percent ng lahat ng gumagamit ng toll expressways at sila ang pangunahing sanhi ng pagkaantala at mahabang pila sa mga toll plaza.

Sa ilalim ng bagong patakaran, mas magiging maayos at mabilis ang daloy ng trapiko, na makatitipid sa oras, pera, at resources ng mga motorista.

Maglalabas pa ng karagdagang abiso ang TRB upang talakayin ang iba pang detalye ng JMC, kabilang na ang mga responsibilidad ng mga toll operator, RFID service providers, at mga motorista. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us