Sen. Gatchalian, naniniwalang makakasuhan pa rin si Alice Guo sakaling makabalik ito ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na kahit pa nakalabas ng Pilipinas si dismissed Mayor Alice Guo ay patuloy namang liliit ang kanyang mundo.

Ayon kay Gatchalian, maaaring humiling ng extradition ang gobyerno ng Pilipinas para mapabalik siya dito sa ating bansa at mapaharap ito sa kanyang mga kaso.

Sakali naman aniyang makalusot si Guo patungong China ay tiyak ring mahaharap rin ito sa kaso doon.

Paliwanag ng senador, mahigpit ang batas ng China kontra gambling kaya naman sa pag-iinvest lang ni Guo sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operator), na iligal sa China, ay maaari na itong makasuhan doon.

Gayunpaman, aminado si Gatchalian na sa laki ng China ay may posibilidad pa ring makapagtago ito doon at mapalitan niyang muli ang kanyang identidad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us