Nakipagpulong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga opisyal ng Philippine Commission on Women (PCW) at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU) sa Camp Aguinaldo noong Martes.
Dito’y tinalakay ni Gen. Brawner kay PCW Sectoral Coordination Division Chief Dr. Macario Jusayan at OPAPRU Women, Peace, and Security Division Program Officer V Rene Gandeza Jr. ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga nabanggit na ahensya at militar sa pagsulong ng gender-responsive initiatives at peace-building efforts.
Pinag-usapan ng mga opisyal ang mga kasalukuyan at binabalak na programa na kahanay ng Women, Peace, and Security (WPS) agenda at pagbilang ng “gender perspectives” sa mga operasyon ng militar at inisyatibong pangkapayapaan.
Ang pagpupulong ay naging pagkakataon para magpalitan ng ideya at “best practices” at tumuklas ng mga bagong larangan ng kooperasyon sa pagitan ng AFP, PCW, at OPAPRU. | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg Ambay/PAOAFP