Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, iho-host ng Pilipinas ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa ngayong umaga ang ika-8 Inter-Agency Committee Meeting ng Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ang pagpupulong na isinasagawa kada dalawang taon ay proyekto ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR).

Dito’y tatalakayin ng mga global leader at eksperto ang mga solusyon sa mga isyung may kinalaman sa disaster risk reduction at isusulong ang kooperasyon sa pagpapatupad ng “Sendai Framework” sa Asya Pasipiko.

Kabilang sa mga opisyal na inanyayahang dumalo sa aktibidad si Deprtment of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonio Yulo-Loyzaga, Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, at iba pang miyembro ng Gabinete.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us