Maglalaan ng pondo ang Kamara para sa libreng mpox vaccines na siyang ipapamahagi sa mga magpopositibo sa virus.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin, alinsunod ito sa atas ni House Speaker Martin Romualdez na maglaan ng pondo para makabili ng mga bakuna laban sa mpox.
Aniya, maliban sa libreng vaccine, pagkakalooban din ng libreng testing, pagpapa-ospital ang mga magkakasakit ng mpox.
Samantala, ayon sa lady solon, kailangan nang paghandaan ng pamahalaan ang pagtaas ng kaso ng mpox sa bansa.
Una nang inanunsiyo ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang public health emergency. | ulat ni Melany Valdoz Reyes