Bansang Turkey, binigyang halaga ang Philippine market para sa sector ng turismo at kalakalan — DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng interest ang bansang Turkey na palakasin ang  trade and tourism sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Turkish Ambasador Niyasi Evren Akyol sa kanilang pulong ni Finance Secretary Ralph Recto kung saan tinalakay ng mga ito ang mga paraan para mapahusay ang  relasyon sa kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa.

Ayon sa sugo ng Turkey, interesado sila na palawakin ang flight route sa Pilipinas.

Bilang tugon, nangako si Recto nang pagsisikap ng gobyerno para tugunan ang mga concerns ng investors sa bansa—ang double taxation at value-added tax refund.

Sinabi rin ng kalihim ang kanilang suporta sa hangarin ng Turkey na maging regional member  ng  Asian Development Bank (ADB).

Ang pulong ng dalawang opisyal ay kasabay ng selebrasyon ng 75th year ng diplomatic relation ng Pilipinas at Turkey.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes


Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us