QC LGU, maglalaan ng financial assistance sa mga natitira pang hog raisers sa lungsod na magsusuko ng kanilang alagang baboy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pakikiisa sa pinaigting na hakbang kontra African Swine Fever (ASF), nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga natitira pang hog raisers sa lungsod na isuko na ang kanilang mga alagang baboy.

Ayon sa alkalde, may impormasyon itong may mga small hog raisers pa rin na nag-aalaga ng baboy bilang kabuhayan.

Punto ni Mayor Joy, imbes na magpataw ng multa ay maglalaan na ang pamahalaang lungsod ng financial assistance kapalit ng boluntaryong pagsuko ng kanilang mga baboy.

Aniya, magkakaroon ng special session ngayong araw ang QC Council para sa isang ordinansa na magbibigay awtorisasyon sa LGU na makapagbigay suporta at maalalayan ang mga apektadong residente.

Iti-turnover naman ng QC LGU ang mga mabibiling baboy sa Department of Agriculture.

Kung hindi infected ang baboy, ito ay posibleng ibenta sa Kadiwa Stores pero kapag kontaminado, ito ay agad ika-cull at ibabaon.

Una nang nilinaw ni QC Mayor Joy Belmonte na walang ASF sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us