Naatasan ang tatlong komite ng Senado na imbestigahan ang isyu ng paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo.
Ito ay ang Senate Committee on Justice Human Rights ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senate Committee on Women ni Senador Risa Hontiveros, at ang Senate Committee on Public Services ni Senador Raffy Tulfo.
Ayon kay Pimentel, minsan lang ang pagkakataon na tatlong komite ang mag-iimbestiga sa isang isyu.
Ang imbestigasyon ay batay sa isiniwalat ni Hontiveros noong l
Lunes na nakalabas ng Pilipinas si Guo, dumating ng Malaysia noong July 18 saka nagpunta ng Singapore.
Una nang hiniling ni Pimentel na gawing secondary committee ang Committee Meeting on Women dahil ito ang unang nag-imbestiga ng isyu kay Guo.
Samantalang iminungkahi naman ni Senate President Chiz Escudero na isama sa mag-iimbestiga ang Committee on Public Services bilang sangkot ang pagtakas at pagdaan nito sa sea port o airport ng bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion