Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang oil tanker na nakarehistro sa bansang Greece ang inatake ng missile ng grupong Houthi sa Port of Hodaida, Yemen sa bahagi ng Red Sea.
Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cadcac na ang inatakeng oil tanker ay ang MT Sounion na mayroong sakay na 23 mga Filipino seafarer.
Ayon kay Secretary Cacdac, napuruhan ang engine room ng barko at pinasok ng tubig ngunit wala namang nasaktan at ligtas ang mga Pilipinong tripulante.
Nasa lugar na rin ang mga naval forces para sa rescue operations ng mga Pilipinong tripulante.
Tiniyak naman ng DMW, na agad na maiuuwi sa bansa ang mga Pilipinong tripulante ng naturang barko at bibigyan ng kinakailangang mga tulong. | ulat ni Diane Lear