Sec. Teodoro, di pabor sa paglikha ng bagong “superbody” para tumugon sa kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa paglikha ng bagong “superbody” para tumugon sa mga kalamidad.

Sa media launch ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng kalihim na mas mabuting palakasin ang koordinasyon at pagpapalitan ng impormasyon ng mga ahensyang kasalukuyang nakatutok sa pagtugon sa mga sakuna.

Paliwanag ni Teodoro ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na binubuo ng iba’t ibang ahensya kung saan siya ang chairman, ang kasalukuyang gumaganap ng papel ng isang “superbody” sa pagtugon sa sakuna.

Napatunayan aniyang epektibo ang ganitong sistema dahil natututukan ng iba’t ibang ahensyang kabilang sa NDRRMC ang kanilang partikular na papel at kasanayan.

Paliwanag ng kalihim, ang paglikha ng bagong “superbody” ay matagal na proseso, at mangangailangan ng pondo na kukunin din mula sa pondo ng mga ahensya na bihasa na sa kanilang trabaho pagdating sa disaster response.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us