Sen. Win Gatchalian, pinag-iingat ang mga paaralan sa banta ng Mpox

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pagkakaulat ng unang kaso ng mpox (dating monkeypox) sa bansa ngayong taon, hinimok ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga paaralan sa bansa na magpatupad ng mga hakbang para maiwasan ito sa mga eskwelahan.

Bagama’t mababa ang panganib na mahawa ang mga bata sa mpox ayon sa US Center for Disease Control and Prevention (CDC), binigyang diin ni Gatchalian na dapat magpalaganap ang mga paaralan ng kaalaman at magsulong ng mga hakbang para itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga faculty members.

Kabilang sa mga ipinaalala ng senador ang regular na paghuhugas ng kamay at pag-disinfect sa mga silid-aralan at ibang espasyo.

Giniit ng senador, na dapat lang patuloy na mag-ingat laban sa mpox lalo’t ang ang unang kaso ngayong taon ay napatunayang hindi lumabas ng bansa, ibig sabihin nandito lang ang virus.

Kaugnay nito, muling isinusulong ni Gatchalian ang panukalang Philippine Center for Disease Prevention and Control (Senate Bill No. 1869).

Layon nito na itatag ang Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) na magsisilbing technical authority sa forecasting, pagsusuri, estratehiya, at pagbuo ng mga pamantayan para mapigilan ang pagkalat ng mga sakit. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us