Unti-unti nang nararamdaman sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Ayon kay Kolyn Calbasa, ang corporate communication officer ng PITX, sa kanilang pinakahuling tala kaninang alas-9 ng umaga nasa 31,338 na ang bilang ng foot traffic sa nasabing land port.
Ngayong araw din aniya ang inaasahan nilang dagsa ng mahigit isang milyong pasahero.
Nananatili din aniyang mahigpit ang seguridad sa buong terminal kaya payo nito sa nga pasahero na huwag nang magdala ng anumang flammable materials at mga matutulis na bagay.
Dagdag pa ni Calbasa, sa ngayon ay wala pang naitatalang ano mang hindi magandang pangyayari sa PITX at wala pa ring fully booked na mga byahe subalit “box office” na ang mga byaheng Batangas. | ulat ni Lorenz Tanjoco