DSWD, iginiit sa Kongreso ang maayos na paggamit ng pondo ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak sa Kongreso ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagkakaroon ng substantial improvement sa paggamit ng budget ng ahensya.

Ito ang sinabi ng Kalihim sa naging pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa 2025 budget ng ahensya.

Sinabi ni Secretary Gatchalian ang obligation rate ng DSWD noong July 2023 ay pumalo lamang sa 39%, na may disbursement rate na 67%.

Pagdating naman anya sa actual figures sinabi ng Kalihim na mayroon itong 122% improvement para sa budget utilization.

Dahil na rin sa magandang performance ng DSWD ay kinilala ito ng mga Economic Managers’ sa pagpupulong na ginanap noong Abril bilang isa sa mga ahensya na may improved budget utilization kumpara sa nagdaang taon.

Ang DSWD, kabilang na ang attached at supervised agencies nito ay humihiling ng ₱229.7 billion budget para sa taong 2025. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us