Nakakuha ng 100% resolution rate ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa paghawak ng mga reklamo mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Sa isang ulat mula sa Office of the President’s 8888 Citizens’ Complaint Center, ang DHSUD ay nagtala ng 100% resolution rate at 98.15% rate sa 72-hour compliance period.
Nakatanggap ang DHSUD ng kabuuang 433 concerns mula Enero hanggang Hulyo 31, 2024 at nalutas ang lahat sa loob ng 72-oras maliban sa walong kaso.
Malugod na tinanggap ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang mahusay na rating bilang isang “inspirasyon” para sa mga kawani na magtrabaho nang mas mabuti. | ulat ni Rey Ferrer