Ipinagmalaki ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng mga kanyang mga kababayang Batanagueña ang natamo ng administrasyong Marcos Jr.
Sa inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Lipa Batangas, sinabi ni Recto na malayo na ang narating ng bansa pagdating sa ekonomiya.
Kabilang dito ang paglago ng gross domestic product sa 6.3 percent, mababang unemployment rate, pagbaba ng poverty percentage at ang mataas na revenue collection.
Naniniwala ang kalihim na sa taong 2028 bago bumaba ang Pangulo sa pwesto, nasa 10 million ng ating mga kababayan ang maiaalis sa kahirapan.
Nagpasalamat din ito kay Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. na binigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa ilalim ng kanyang administrasyon at masilayan na manguna muli ang Pilipinas sa Asya.| ulat ni Melany V. Reyes