Cassandra Ong at Shiela Guo, nasa kustodiya pa rin ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili pa rin sa special detention ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City sina Shiela Leal Guo, kapatid ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at Katherine Cassandra Li Ong, isa sa incorporator ng sinalakay na scam hub sa Porac, Pampanga.

Matapos ang inquest proceedings ay buong weekend pa ring nanatili sa NBI ang dalawa na binibisita lang ng kanilang legal counsel.

Mahigpit din ang seguridad sa buong NBI na bantay sarado kahit holiday.

Inaasahan namang haharap sa pagdinig ng Senado sa Martes ang dalawa.

Ang NBI mismo ang siyang magdadala sa dalawa papunta at paalis ng Senado.

Nakatakda ring sampahan ng mga reklamong kriminal sina Sheila Guo, ang kapatid ni Alice Guo, at Cassandra Li Ong sa August 27. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us