Paggamit ng National Government ng sleeping funds ng ilang govt. agency, magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ng Department of Finance (DOF) na hindi iligal ang paggamit ng National Government sa sleeping funds ng ilang tanggapan ng pamahalaan na una nang ipinasauli sa National Treasury.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni DOF Director Nina Asuncion na alinsunod ito sa batas, upang magamit sa ibang programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

“Yes, the Department of Finance, the use of the unused funds is legal. Kapag ang pagbalik po ng unused funds to the National Treasury is alinsunod, it is in accordance with the provisions of the General Appropriations Act of 2024 where sinabi po doon na kung mayroon po tayong makita na unused funds in our GOCCs, ibalik po natin ito sa National Treasury para magamit po natin sa ibang programa at proyekto ng ating mga ahensiya at mga GOCCs.” -Dir Asuncion

Magri-resulta naman aniya ito sa mas maraming oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino.

Kaugnay nito sila sa DOF, kahit nakasaad sa probisyon ang pagbabalik at paggamit ng sleeping funds dumudulog pa rin ng legal opinion.

Halimbawa sa Office of the Government Corporate Council (OGCC), Governance Commission for GOCC (GCG), maging sa Commission on Audit (COA), para aniya sa reporting ng kanilang pondo.

“Yes, of course. The Department of Finance ‘no, even with the provision, we sought legal opinions of the OGCC at ng GCG, and we even asked COA kung paano namin iri-report ito sa ating budget.” -Dir. Asuncion. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us