Nadagdagan pa ang mga gamot sa merkado na exempted na sa value added tax o VAT.
Kasunod ito ng inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 93-2024 ng Bureau of Internal Revenue kaugnay ng 15 gamot na hindi na papatawan ng VAT.
Partikular ito sa mga gamot para sa sakit na cancer tulad ng may generic name na Avelumab, Acalabrutinib, Olaparib, Trastuzumab.
Gamot sa mataas na kolesterol gaya ng Rosuvastatin, mga gamot sa hypertension na Olmesartan Medoxomil, Perindopril, Indapamide + Amlodipine at mental illness na Sodium Valproate at Valproic acid.
Ayon sa BIR, tugon ito sa inilabas ding listahan ng VAT-Exempt Products mula sa Food and Drug Administration.
Ayon pa kay BIR Comm. Romeo Lumagui Jr. bahagi rin ito ng hakbang ng ahensya para suportahan ang pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang publiko na magkaroon ng access sa mas abot-kayang pangangalagang pangkalusugan at gamot. | ulat ni Merry Ann Bastasa