Shiela Guo, pwedeng maikonsiderang state witness – Justice Usec. Nicholas Ty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Nicholas Felix Ty na may posibilidad na maituring bilang state witness si Shiela Guo.

Sa panayam bago ang budget hearing ng DOJ, sinabi ni Ty na kung totoo ang mga sinasabi ni Shiela ay hindi siya maituturing na pinaka may pakana ng mga iligal na aktibidad na ikinakabit sa operasyon ng mga POGO.

Ayon kay Ty, kung pagbabasehan lang din ang mga naging testimonya nito sa Senate hearing kahapon ay lumalabas na tila nadamay lang si Shiela o napahamak lang ito sa gawain ng kanyang mga kasamahan.

Sinabi rin ng opisyal, na una na rin silang may hinala na hindi tunay na magkapatid sina Shiela at Alice Guo.

Aniya, kung titingnan ang Chinese name ng dalawa ay makikitang hindi magkapareho ang kanilang mga pangalan.

Matatandaang base sa Chinese passport ng dalawa, napag-alamang si Shiela ay si ‘Zhang Mier’ samantalang ‘Guo Hua Ping’ naman si Alice Guo.

Una nang sinabi ni Shiela sa pagdinig kahapon, na hindi niya tunay na kapatid si Alice at hindi niya biological parents ang magulang ng dating alkalde. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us