Giniit ni justice Secretary Jesus Crispin Remulla na valid ang police oeprations na isinagawa para maisilbi ang warrant of arrest laban kay pastor Apollo Quiboloy.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Remulla na hindi rerespetuhin ng mga tao ang rule of law kung hindi nila maipapakita na naipapatupad ito sa sinuman, anuman ang estado sa buhay.
Pinaliwanag rin ni Remulla na hindi pwedeng gamitin ang writ of amparo laban sa mga pulis at hindi rin ito mas makapangyarihan sa lawful order ng korte para maaresto ang isang tao.
Dahil dito, nanindigan ang kalihim na magpapatuloy lang ang arrest effort laban kay Quiboloy.| ulat ni Nimfa Asuncion