PRO-11, pinaalalahan ang publiko na wag agad maniwala sa fake news hinggil sa operasyon sa KOJC compound

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Police Regional Office (PRO) 11 ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa fake news na kumakalat kaugnay ng operasyong isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.

Ang pahayag ay ginawa ni PRO-11 Spokesperson Major Catherine Dela Rey matapos kumalat kahapon ang balita na pasasabugin umano ng mga pulis ang katedral ng KOJC.

Ang naturang balita ay ipinost bandang tanghali sa Facebook page ng SMNI News kung saan sinasabing binigyan ng PNP ng dalawang oras ang KOJC para isuko si Quiboloy kundi ay pasasabugin ang kanilang katedral.

Mariing itinanggi ni Maj. Dela Rey ang nabanggit na balita at sinabing pawang walang katotohanan ito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang paghahanap ng PNP kay Quiboloy at apat pang kapwa akusado sa loob ng KOJC compound.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us