Climate action at pag-unlad ng ekonomiya dapat mabalanse upang mabawasan ang kahirapan — DOF Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang mga kapwa Finance Ministers na  ipatupad ang integrated solutions  tungo sa climate action at poverty eradication.

Binigyang-diin ito ni Recto sa ginanap na high-level meeting kung saan host ang PIlipinas na  kailangan na balansehin ang  pag-unlad ng ekonomiya sa climate resilience.

Si Recto ang nagbigay ng keynote  address sa Coalition of Finance Ministers for Climate Action Regional Meeting na ginanap sa Asian Development Bank Headquarters sa Manila.

Sinabi  din ng kalihim sa harap ng mga finance ministers na “unfair” ang climate change lalo na sa mga mahihirap na bansa dahil lalo lang itong maghihirap.

Pinagmalaki naman nito ang ginagawa ng Pilipinas upang makamit ng parehas ang hangarin sa paglago ng ekonomiya at climate objective  sa pamamagitan ng National Adaptation at National implementation Plan (NDCIP).

Binanggit din ng DOF chief ang  Peoples Survival Fund bilang isang concrete at inovative solutions ng bansa na direktang naghahatid ng mahalagang mapagkukunan ng pondo para sa mga climate adaptation.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us