Cassandra Ong at Sheila Guo, pina-deport ng Indonesia dahil banta sa security, public order

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais malaman ng mga mambabatas ang tunay na dahilan kung bakit pina-deport ng Indonesia pabalik ng Pilipinas sina Cassandra Ong at Sheila Guo.

Sa Quad Committee hearing inusisa ni Representative Joseph Stephen Paduano, co-chair, kung bakit hinuli ng Indonesian Immigration si Ong at Guo.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), itinuturing ng Indonesia na threat to security and public order ang dalawa.

Sa dokumento namang hawak ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) Passport Division na mula Indonesia, tinukoy na may posibilidad si Ong na lumabag sa kanilang Immigration law.

Nakukulangan naman si Paduano sa paliwanag na ito at gustong malaman kung bakit iniisip ng Indonesia na banta sa kanilang seguridad si Ong.

Nangako naman ang BI at DFA na isusumite ang dokumento na naglalaman ng kabuuang paliwanag ng Indonesia Immigration.

Pinasusumite din ni Paduano sa dalawang ahensya ang mga bansang pinuntahan ni Ong bago mahuli kasama ang mga point of entry sa naturang mga bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us