40 sako ng basura, nakolekta sa paglilinis sa Muzon Pumping Station sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 40 sako ng basura ang nakolekta ng Malabon City Engineering Department sa kanilang isinagawang paglilinis sa Muzon Pumping Station matapos ang pag-ulang dulot ng habagat.

Ayon sa LGU, ang mga basurang ito ang kadalasang nagdudulot ng pagbara sa mga pumping station, na nagiging sanhi ng matinding pagbaha sa lugar.

Kasunod nito, pinaalalahanan ang bawat residente na magtapon ng basura sa tamang lugar upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng komunidad.

Siniguro din ng pamahalang lungsod na maayos na gumagana ang lahat ng pumping stations sa Malabon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us