Karagdagang pondo para sa mga bike lane, inihirit ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihihirit ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang karagdagang pondo para sa paglalagay ng mga bike lane sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang muling binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista nang pangunahan nito ang groundbreaking ng expansion ng active transport infrastructure at pagpapasinaya ng end-of-trip facilities sa Marikina City ngayong araw.

Magugunitang sa pagharap ng DOTr sa pagdinig ng Kamara para sa 2025 budget ng kagawaran, sinabi ni Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Andy Ortega, mahigit ₱2.5-bilyon ang kanilang hinihinging pondo.

Para aniya ito sa paglalagay ng karagdagang bike lane gayundin ang end-of-trip cycliing facilities para sa 260 kilometrong dedicated lanes para sa mga bisikleta.

Target naman ng DOTr na makapaglagay ng kabuuang 2,400 kilometrong bike lane sa buong bansa sa taong 2028. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us