Pormal na inilunsad kahapon ang PHILINDO STRIKE IV-2024 bilateral military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Ang 6th Infantry Division ng Philippine Army ang host ng joint exercises na isinasagawa sa Maguindanao del Norte.
Ayon kay Division Chief of Staff Col. Edgar Catu, iba’t ibang pagsasanay ang isasagawa upang higit pang mapalakas ang kolaborasyon at operational efficiency ng pwersa militar ng dalawang bansa.
Layunin ng joint exercises na mapaghandaan ng dalawang pwersa ang pagtugon sa mga banta sa international security partikular sa Timog-Silangang Asya.
Makakatulong din ang pagsasanay sa pagiging handa ng militar sa pagsasagawa ng humanitarian and disaster response. | ulat ni Leo Sarne
📷: 6ID