Kasalukuyang nagsasagawa ng tatlong araw na ehersisyo sa Timog-Kanlurang karagatan ng Subic, Zambales ang Philippine Fleet (PF).
Kalahok sa pagsasanay na nagsimula noong Agosto 27 at tatagal hanggang bukas, Agosto 30, ang iba’t ibang air at sea assets ng Philippine Navy.
Ayon kay PF Public Affairs Office Chief Lt. Giovanni Badidles, layon ng pagsasanay na mapahusay ang interoperability ng mga Offshore Combat Force (OCF) capital ship tulad ng BRP Jose Rizal, at BRP Antonio Luna; kasama ang Fleet air assets tulad ng AW-159 (anti-submarine) helicopter at Beechcraft TC-90.
Sinabi naman ni OCF Acting Commander Captain Joselito De Guzman na masusubukan sa pagsasanay ang mga kasalukuyang doktrinang pandigma, at mga bagong kapabilidad sa multi-dimensional warfare, upang makabuo ng mga bagong teknik, taktika, at proseso sa naval operations. | ulat ni Leo Sarne
📷: Philippine Fleet