Kinumpirma ni Provincial Prosecutor Ramoncito Ocampo na may panibagong kaso silang isasampa laban sa mga personalidad na nahuli sa Lucky South 99 at Whirlwind Corporation.
Sa QuadComm hearing sa Kamara, sinabi ni Ocampo na ngayong linggo ay maaaring makapagsampa sila ng panibagong batch ng kaso sa mga nahuling personalidad na konektado sa dalawang kompanya na pawang mga na-raid na POGO.
Kasalukuyan, mayroon nang dalawang Chinese national aniya ang kanilang nakasuhan ng paglabag sa Human Trafficking Act, serious physical injuries, kidnapping at serious illegal detention.
Pagbabahagi naman ni Ocampo sa mga mambabatas na mayroon silang hawak na testigo na may direktang kaalalam tungkol sa insidente ng murder, torture at prostitution sa compound ng Lucky South 99 sa Pampanga. | ulat ni Kathleen Forbes