DPWH, umapela sa Kongreso na aprubahan ang kanilang hiling na budget para sa ‘right of way obligations’ ng kagawaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Kongreso na pagbigyan sila sa kanilang hiling na budget na P36.9 billion para sa obligasyon nito sa right of way.

Sa interpellation ni OFW Party-list Representative Marissa Del Mar Magsino sa budget deliberation ng House Appropriations Committee, pinuna nito ang lumulobong pagkakautang ng kagawaran sa mga private land owner na hanggang ngayoan ay hindi pa nababayaran kahit tapos na ang proyekto ng gobyerno.

Sagot ni Sec. Bonoan, ito ang hamon na kinahaharap nila sa ngayon sa DPWH dahil mula 2022 ay hindi naibibigay ang hiling nilang budget upang bayaran ang mga ROW na sa ngayon ay nasa outstanding balance na P60-bllion.

Prayoridad nila aniya na unahin ang mga land owner, ang ready for payments, at may mga decision na ng korte.

Patuloy din anila ang ginagawang pakikipag-usap ng mga abogado ng DPWH sa land owners na nalulungkot na dahil sa pag-aantay ng bayad ng gobyerno.

Siniguro din nito na inaasistihan ng kanyang tanggapan ang mga pamilya ng mga land owner na kinamatayan ang pag-antay ng bayad sa kanilang lupa, upang makumpleto nito ang mga documentary requirement para maibigay sa mga benepisyaryo nito ang bayad. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us