2 pasahero, sugatan sa banggaan ng bus sa EDSA Busway sa Quezon Ave

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang pasahero ang nagtamo ng minor injury matapos ang banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa EDSA Busway, sa Quezon Avenue, northbound.

Batay sa inisyal na impormasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente bandang 6:55 ng umaga nang sumingit papasok ng bus lane ang isang bus na galing EDSA.

Sa lakas ng banggaan, warak ang harapang bahagi partikular ang windshield ng bus na may plakang NAM 6587 habang sa likod naman ang tama sa bus na sumingit.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga pasaherong nagtamo ng minor injury.

Habang ilalagay naman muna sa kustodiya ng Traffic Bureau ang dalawang driver ng bus habang ongoing ang imbestigasyon.

Dahil naman sa insidente, higit 30 minutong hindi muna pinadaanan sa Busway lane ang mga bus hanggat hindi pa naiaalis ang mga nagbanggaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us