Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Bravo at Alpha sa ilang lalawigan sa bansa na posibleng maapektuhan ng bagyong Enteng.
Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 65-88km/hour at matinding mga pag-ulan ang mga lalawigan ng:
Apayao
Aurora
Cagayan
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Ifugao
Ilocos Norte
Isabela
Kalinga
Mountain Province
Quezon
Quirino
Nasa Alert Level Alpha naman na may banta ng moderate to heavy rainfall ang mga sumusunod:
Abra
Albay
Batanes
Batangas
Benguet
Bulacan
Ilocos Sur
La Union
Laguna
Marinduque
Masbate
Metro Manila
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Rizal
Sorsogon
Pinag-iingat ng DILG ang mga LGU sa ilang posibleng maging panganib na dulot ng malakas na hangin at ulan.
Una na ring pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang Oplan Listo Protocols bilang paghahanda sa bagyong Enteng. | ulat ni Merry Ann Bastasa