Malaking sanga ng puno, nabuwal sa Quezon Ave

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng mabigat na daloy ng mga sasakyan, partikular sa bahagi ng Quezon Avenue corner Scout Albano ang nabuwal na malaking sanga ng puno bandang alas-7 ngayong umaga.

Humambalang ito sa kalsada at halos dalawang lane ang sinakop.

Ongoing naman na ang clearing operation na sanib-pwersang ginawa ng mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ngayon ay naigilid na ang mga nagkalat na dahon at naialis na rin ang nabaling sanga.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang pag-ulan sa mga oras na ito sa Quezon Avenue, Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us