Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang Expanded Number Coding scheme ngayong araw.
Ito’y ayon sa MMDA, bunsod pa rin ng mga pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Enteng partikular na sa buong Metro Manila.
Kasunod nito, nakahanda na ang mga tauhan ng MMDA para tumugon sa anumang emergency partikular na sa mga apektado ng matinding pag-ulan. | ulat ni Jaymark Dagala