Umakyat sa 10 ang inulat na nasawi dahil sa Bagyong Enteng.
Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 7 sa mga iniulat na nasawi ay sa Calabarzon, dalawa sa Region 7, at isa sa Region 6; habang 10 naman ang iniulat na sugatan sa Region 7.
Nasa 37,867 pamilya o katumbas ng 147,024 indibidwal mula sa 338 barangay sa Region 3, Calabarzon, Regions 5, 6, 7 at National Capital Region (NCR) ang apektado ng sama ng panahon.
Sa bilang na ito, 8,866 pamilya o 38,058 indibidwal ang pansamantalang lumikas sa 218 evacuation center.
Habang 411 pamilya o 1,756 indibidwal ang tumatanggap ng tulong sa labas ng evacuation center. | ulat ni Leo Sarne